Una sa Balita

Mga kritiko ni Digong butata sa FB post ni Honeylet

0 409

Nasagot ang agam-agam at pagdududa sa isang linggong walang public appearance ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang maglabas ng litrato si Madam Honeylet Avanceña kung saan magkasama sila at anak na si Veronica sa kanilang bahay sa Davao City.

Sa Facebook post ni Avanceña ay nag-selfie silang tatlo ng ­Pangulo at anak sa loob ng kanilang bahay.

Nakasuot ng gown si Veronica dahil galing ito sa debut, ayon sa partner ng Pangulo.

Ang litrato ay kuha Linggo nang gabi, Agosto 18 pasado alas-11:00.

Nitong mga nakalipas na araw ay natanong si Presidential Spokesman Salvador Panelo kung bakit hindi nagpapakita sa publiko ang Presidente na sinagot ng kalihim na abala ang Pangulo sa mga private meeting at courtesy call at sa tambak na mga dokumentong dapat nitong pirmahan.

Nagbiro pa si Panelo na hangga’t naririnig na nagmumura ang Presi­dente ay nasa ayos na kundis­yon ito at hindi totoo ang balitang isinugod ito sa hospital. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy