Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga kriminal piyesta sa alert level 1! Nakawan, murder, rape, carnap talamak

0 176

Muling namayagpag ang mga krimen sa mga lugar na sakop ng alert level 1.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa nangyaring pagtaas ng crime rate sapol nang ilagay sa pinakama¬babang alerto ang bansa dahil sa COVID-19.

Sa panayam sa radyo kay Año sinabi nitong ang pagtaas ng krimen ay bunsod ng pagbaba ng alert level system sa maraming lugar sa bansa.

“Nitong pagpasok ng alert level 1, medyo tumaas ‘yong ibang index crimes, particularly ‘yong theft. Siguro siyempre dahil naglabasan na ‘yong mga tao. Dito sa mga malalapit sa mga mall, sa mga palengke, medyo dumami na naman ‘yong mga mandurukot natin diyan,” giit nito.

Maliban sa paglobo ng kaso ng nakawan ay kasama sa pitong mga krimeng lumaganap sa ilalim ng alert level 1 ay murder, homicide, physical injury, rape, robbery, carnapping ng mga sasakyan at motorsiklo.

Bunsod nito ay pinayuhan ng DILG ang publiko na maging maingat kapag namimili.

“Dapat maging maingat ang ating kababayan kapag tayo ay namimili at pupunta sa mga business establishment. Ang ating police naman, naka-ready naman diyan,” ayon pa kay sa kalihim ng DILG.

Ang Metro Manila at mahigit 200 mga lugar sa bansa ay nasa alert level 1. Nitong Enero ay naitala ang pagbaba ng 17% krimen sa NCR mula noong Nobyembre ng nakaraang taon. (Kiko Cueto/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.