Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga koop i-ban sa rice import

0 406

Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na kanila nang ipagbabawal ang mga kooperatiba sa pag-angkat ng bigas.

Ito’y matapos ibunyag ni Senador Cynthia Villar sa pagdinig ng Senate committee on agriculture na ginagamit umano ng mga rice importer ang mga kooperatiba para makalusot sa pagbabayad sa taripa.

“They are being used by the traders. Ginamit na `yan before eh. Nang makulong, ako pa nagbayad ng kanilang piyansa kasi naawa ako eh. Ginamit sila eh. Nung iniimbestigahan na sila, wala na `yong trader. Sila na lang ang nawalan, sila na lang ang nakulong. Kawawa `yang mga coop na `yan,” pahayag Villar.

“They said if you use the coop, you are not paying tariff. Kaya ginagamit na ng rice importer `yong coop,” dagdag pa ng senador.

Nangako naman si Dar na hiindi na niya papayagan ang mga kooperatiba at mga asosasyon sa pag-angkat ng bigas sa ibang bansa.

“I will issue an order not to allow now coops and associations to import (rice). Iba-ban po namin,” ayon kay Dar.

Inihayag pa ni Dar na hindi sila ang nag-isyu ng permit sa pag-angkat ng bigas mula pa noong Setyembre dahil sapat naman ang lokal na suplay nito sa kasalukuyan.

Iginiit naman ni Senador Francis Pangilinan na dapat tulungan ng gobyerno ang mga kooperatiba sa pamamagitan ng direktang pagbili ng bigas sa kanila.

“Part of the reason na ginagawa `yan ng mga cooperative ay sila ay naaanggihan,” sabi ni Pangilinan.

“Doon po natin dalhin [sa local government] ang mga cooperative para huwag na sila mag-import. Magbenta na lang sila nang magbenta sa LGU at ang LGU bumili sa kanila. Doon sila maaanggihan sa tama,” aniya pa. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.