Una sa Balita

Mga kontra sa pagkalas ng ‘Pinas sa ICC, binuweltahan ng Palasyo

By
0 438

INAKUSAHAN ng Malacañang ng grand conspiracy ang mga kalaban ng administrasyon para lalong siraan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos kumalas ang Pilipinas sa Rome Statue na nagtatag ng International Crimi­nal Court o ICC.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kapansin-pansing biglang naging international law expert ang mga kritiko ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Panelo iisa ang tono ng mga political opposition, makakaliwang grupo at human rights advocate na pawang nagsasabing kaya kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute ay upang makaiwas si Pangulong Duterte sa pag-uusig ng ICC kaugnay ng mga kaso ng extra judicial killing at paglala ng human rights violation sa bansa.

“It is open season of conspiracy theories by the political opposition, the left and the human right activists. Suddenly becoming experts in international law and sharing common advocacy of demonizing the President and his administration on the issue of human rights vis-a vis the drug war,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi kailanman sinusuportahan ng gobyerno ang extra judicial killing at paglabag sa karapatang pantao dahil patuloy na gumagana ang criminal justice system sa bansa.

Hinamon ni Panelo ang mga nag-aakusa ng extra judicial killing na magsampa ng kaso sa korte at patunayan ito sa korte.

Kapag hindi aniya nagawa ito ng mga nag-aakusa ay nangangahulugan lamang na namumulitika ang mga ito at sinasakyan ang ginagawang paglilinis ng gobyerno sa mga drug personality at mga kriminal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy