Una sa Balita

Mga kompanya ng langis may katiting na rollback

By
0 361

MATAPOS ang sunod-sunod na oil price hike, nagpatupad naman ng katiting na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa bansa epektibo kahapon.

Pinangunahan ng Phoenix Petroleum Philippines ang bawas presyo na P0.65 kada litro sa gasolina at P0.35 kada litro ng diesel epektibo dakong alas-sais kahapon nang umaga.

Habang wala namang paggalaw sa presyo ng kanilang kerosene.

Inaasahan namang susunod­ na magpatupad ng oil price rollback ang mga malalaking kompanya ng langis sa bansa tulad ng tinaguriang ‘Big 3 Oil Company’ gayundin ang mga maliliit na kompanya sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy