Una sa Balita

Mga kolorum courier talupan sa smuggling

0 265

ITINULAK ng isang mam­babatas ang malalimang imbestigasyon hinggil sa pag­lipana ng mga ‘di rehistradong courier service na siyang nagpalala lamang sa problema ng smuggling sa bansa.

Sa House Resolution No. 481 na inihain ni Buhay Party-list Rep. Jose Lito Atienza, hiniling nito sa kinauukulang komite ng Kamara na siyasatin ang mga freight at forwarding services na walang lisensiya.

Bunsod ito ng rebelasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na tumaas ng 775% noong 2018 ang kaso ng iligal na droga na dinedeliber sa pamamagitan ng courier service.

Noong 2017, apat na kaso lamang ang naitala suba­lit noong nakaraang taon ay umakyat ito sa 35 insidente ng foreign express delivery ng iligal na droga.

Sinabi ni Atienza na ito ang dahilan kung bakit maraming overseas Filipino worker (OFW) ang nabibiktima ng ilang freight at courier service na hindi lisensiyado mula sa Department of Information and Communications (DICT).

Hawak dati ng Department of Trade and Industry (DTI) ang regulasyon sa mga courier service subalit nilipat na ito sa DICT sa ilalim ng kanilang Postal Regulations Division.

Sinamantala umano ng mga kolorum na courier service ang e-commerce dahil sa laki ng kanilang kinikita dito.

“The growing number of internet subscri­bers in the country today has resulted to an increase of e-commerce revenue from P44 trillion in 2018,l from P36 Trillion in 2017, with e couriers now worth P36 billion,” saad ni Atienza.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy