Una sa Balita

Mga Kenyan runner arestado sa ensayo

0 343

Inaresto ang mga Kenyan athlete na nakabase sa bayan ng Iten dahil sa pagpapatuloy ng kanilang training habang nakadeklara ang ban ng kanilang gobyerno sa mga social gathering at sports activities.

Kabuuang 12 atleta ang inaresto kabilang ang dalawang dayuhan na dinala lahat sa police station sa Iten bago nakiusap ang mga local athletics official ng Kenya para hindi makasuhan, ayon sa Kenyan publication Daily Nation.

Aminado ang Athletics Kenya sa naging pagkakamali ng mga atleta kung saan sinabi ng coach na si Elkanah Ruto ang insidente na “unfortunate” dahil sa nalagay sa panganib ang buhay ng publiko at iba pang atleta.

“The athletes were arrested by security officers in collaboration with the county’s department of health. The same departments had earlier on engaged us on how we are supposed to conduct our training to ensure that we stay safe from the coronavirus,” sabi ni Ruto.

Kilala ang lugar na naging sanayan ni David Rudisha, na kasalukuyang may hawak sa 800m world record, bilang isa sa mga magagandang lugar sa Kenya at nakapaghubog ng mga kilalang atleta sa tinaguriang “sacred running town” na Iten.

Agad ding ipinag-utos ng Athletics Kenya na lahat ng training camps sa bansa na isara “indefinitely” habang inutusan ang mga atleta na isagawa ang social distancing dahil sa nagaganap na COVID-19 pandemic na nabiktima na ang isang tao sa Kenya.

Mayroon naman na 59 kumpirmadong kaso sa bansa sa kasalukuyan.

Inihayag ni Ruto na maraming dayuhang atleta na dumating sa bansa ay hindi pa nalalaman ang iniutos na polisiya at nasangkot ang kanilang mga atleta dahil sa “put the country on the world map”. (Lito Oredo)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More