Una sa Balita

Mga kawatan, 24/7 babantayan

0 385

Wala ngayong kawala ang mga masasamang loob o mga kriminal nang nagbigay ng direktiba si National Capital Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Police Major General Debold Sinas sa mga hepe ng iba’t-ibang police stations na magbantay 24/7 partikular na sa mga supermarket at iba pang posibleng targetin ng mga magnanakaw.

Ang nasabing bantay-sarado ay kasunod na rin ng naging kautusan ni Philippine National Police (PNP) chief, Chief General Archie Gamboa na pigilan ang anumang pagtatangka ng mga kriminal.

Para makatodo sa pagbabantay, may dagdag pang mobile cars sa mga magpapatrulya sa loob ng 24 oras na tututok sa pag-aresto ng mga gumagala at hindi otorisadong mga motorcycle riding individuals.

Maging ang mga chief of police sa Metro Manila ay pinakilos na makipag-ugnayan sa Local Government Unit (LGU) para sa paghahatid ng ayuda sa mga pamilyang nangangailangan. (Armida Rico)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More