Una sa Balita

Mga kawani ng OP may tig-P60K pamasko kay Duterte

0 377

MASAYA ang Pasko ng mga opisyal at kawani ng Office of the President (OP) makaraang ianunsiyo ng Malacañang ang tig-P60,000 na pamasko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ito.

Ang anunsiyo ay ginawa ni Analyn Tolentino, ang social secretary ng Pangulo sa aktibidad nang pagpapailaw sa Christmas tree sa Kalayaan grounds sa Malacañang.

Ang pagpapailaw sa Christmas tree ay taunang tradisyon sa Palasyo kung saan ito rin ang pagkakataon na iniaanunsiyo ang pamasko ng Presidente sa mga kawani at opisyal ng OP.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng Pangulo ang mga opisyal at kawani ng OP sa kanilang hindi matawarang serbisyo at mataas na antas ng propesyunalismo tungo sa makatotohanang pagbabago para sa bansa.

Magiging simbolo aniya ang Christmas tree sa mga Pilipino para ipagpatuloy na paningningin ang buhay ng kapwa Pilipino lalo na yaong dumaranas ng hirap at kawalan ng hustisya. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy