Una sa Balita

Mga katangiang swak sa trabaho

By
0 832

Ano po kaya ang hinahanap nga­yon ng mga employer sa mga jobsee­ker lalo na sa mga fresh graduate?

Ayon po sa 503 mga employer na tinanong ng Jobstreet Philippines, ang wastong pag-uugali o work ethic, galing sa pakikipagtalastasan at mapanuring isipan ang mga kalidad ng job applicant na gusto nilang makita ngayon.

Mapapakinabangan po ng mga tumanggap ng kanilang diploma ngayong Marso at Abril ang resulta ng ‘Jobstreet.com Fresh Graduate Report 2018’ upang mas makapaghanda sila sa mga requirement ng mga employer.

Dahil talaga pong dinamiko ang klase ng mga trabahong puwedeng mapasukan dahil sa teknolohiya at tindi ng kompetisyon, kailangan po talagang patunayan ng mga mang­gagawa ang kanilang ‘soft skills’. Halimbawa nito ang kakayahang maiangkop ang sarili sa bagong kondisyon at pakikibagay sa mga katrabaho at kakayahang makipag-teamwork.

Sa BPO industry na nangunguna pa rin po sa dami ng binubuksang oportunidad sa mga Pinoy worker, napakaimportante po talaga ang interpersonal skills. Kaugnay po nito ang husay sa wikang Ing­les at ang kakayahang mag-analisa ng datos o impormasyon. Mahigit sa 1.1 milyon ang manggagawa sa BPO industry at inaasahang aakyat pa ito sa 1.8 milyon pagsapit ng taong 2022.

Samantala, ayon pa rin sa pag-aaral ng Jobstreet, nangunguna po ang mga trabahong may kaugnayan sa legal ser­vices, public relations, journalism, advertising, education, ICT, marke­ting at customer service sa mga propesyong may pinakamataas na sahod.

Ang common deno­minator po ng mga trabahong nabanggit ay ang kakayahan sa paggamit ng teknolohiyang digital o online skills. Naglalaro po mula P20,000 hanggang P27,000 ang suweldo kada buwan para sa mga fresh graduate.

Sa mga kabataang nagpaplano pa lang kung anong kurso ang kukunin sa kolehiyo ngayong pa­sukan, maging matalino at magandang ikonsidera ang ganitong mga impormasyon para mas mada­ling mapasok sa trabaho sa hinaharap.

Bagama’t nakasentro po sa mga college gra­duate ang pag-aaral ng Jobstreet, hindi rin naman po puwedeng balewalain ang mataas na demand sa mga tech-voc graduate.

Related Posts

Katunayan, sa gina­wa nating Employer’s Satisfaction Survey (ESS) noon sa TESDA, lumalabas po na 86 porsiyento ng mahigit 5,000 mga establisimiyento ang nagsabing ‘satisfied’ sila sa paggana­p sa tungkulin sa trabaho ng mga tech-voc graduate.

Anumang larangan o propesyon, college graduate, K-12 graduate o tech-voc graduate ka man, naniniwala po tayong ang resulta ng Jobstreet 2018 Report ay makabuluhan sa lahat ng mga jobseeker­ nga­yon, gayundin sa mga kasalukuyang mang­gagawa upang lalo pa silang umangat sa kanilang karera.

Tulad po ng madalas kong banggitin, nasa ating mga kamay ang tagumpay. Lahukan natin ang ating kasanayan ng pagsisikap at panalangin at tiyak na makukuha natin ang trabahong mag-aangat sa ating buhay.

Job Fair Schedule

LGU-PESO Asingan Job Fair
Francisco Soriano Sr. Memorial Sports & Cultural Center, Asingan, Pangasinan
April 23

LGU Banawe Job Fair
Banawe Municipal Hall; LGU-PESO Cabugao Job Fair; Cabugao, Cultural Sports Complex
Cabugao, Ilocos Sur; Job Fair for Senior High School Graduates NDTC Gymnasium, Tacurong City; LGU Plaridel Job Fair; Waltermart, Banga­ 1st, Plaridel, Bulacan
April 24

North Luzon Philippine State College Job Fair; College Gymnasium, NLPSC, Candon City
April 25

DepEd Pangasinan & PESO Rosales Job Fair; Robert Estrella Gymnasium, Rosales, Pangasinan; Municipality of Te­resa Job Fair Teresa Multipurpose Covered Court
Teresa, Rizal
April 26

PESO Bulacan Job Fair Bulacan Capitol Gymnasium, Malolos City