Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga kaso bumulusok: 2 COVID center sa NegOcc inalis na

0 223

Inanunsiyo ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson na ibinalik na bilang non-COVID centers ang Valladolid District Hospital sa Valladolid, at ang Valeriano M. Gatuslao Memorial Hospital sa Himamay­lan City.

Ito’y matapos bumaba ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan nitong nakalipas na mga linggo.

Banggit ng gobernador, maaari nang tumanggap ang dalawang district hospital ng mga non-COVID patient simula Disyembre 1.

Samantala, mananatili ang Cadiz District Hospital bilang natatanging COVID-19 facility sa probinsya.

Magugunitang hiniling ni Mayor Rogelio Raymund Tongson na ibalik na ang Valeriano M. Gatuslao Memorial Hospital bilang non-COVID hospital para ang mga residente sa 5th District na walang COVID-19 related concern at sakit ay hindi na kailangang pumunta pa sa Kabankalan City para magpagamot. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.