Una sa Balita

Mga kasangga ni Gloria balik sa werpa

By
0 404

INILUKLOK na bilang mga lider ng Kamara ang mga kaalyado ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Bago mag-adjourn ang sesyon nitong Miyerkoles, Agosto 15, ngayong taon para sa dalawang linggong recess ay naghain ng mos­yon si House Majo­rity Leader at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., para ma­bigyang-daan ang pagkakahalal nina Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr., at Bohol Rep. Arthur Yap bilang mga bagong Deputy Speaker.

Pinalitan nina Pichay at Yap sina Marikina City Rep. Miro Quimbo at Cebu Rep. Gwen Garcia.

Abante Hiring – IT dep

Pareho man na hindi bumoto sa pagka-Spea­ker ni Arroyo ay hinalal pa rin si Quimbo bilang miyembro ng House Committee on Ways and Means habang si Garcia ay napuwestong chairperson ng House Committee on Economic Affairs na pumalit kay Yap.

Samantala, kahit nagdesisyon na umanib kay SGMA ay pinalitan pa rin si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ni Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo bilang bagong House Committee on Good Government and Public Accountabi­lity.

Inihalal naman bilang vice chairperson ng House Committee on Accounts si Cavite Rep. Jennifer Barzaga habang si North Cotabato Rep. Jose Tejada ay iniluklok na vice chairman ng House Committee on Appropriations at itinalagang mga miyembro sina Mandaluyong City Rep. Alexandria Gonzales, Abra Rep. JV Bernos, at San Jose del Monte City Rep. Rida Robles.

Hinirang din ng plenaryo si Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon bilang miyembro ng House committee on Basic Education at si Masbate Rep. Scott Davies Lanete bilang miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA).