Una sa Balita

Mga kartero manghaharana sa Araw ng mga Puso

0 382

Dahil asam nilang mahalin muli ng mga Pinoy ang pagsusulat ng mga liham at tradisyunal na harana, ibabalik ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) para sa Valentine’s Day ang kanilang mga singing kartero.

Sa Express Padalove promo, pasok na sa halagang P2,500 ang pagpapadala ng bulaklak, tsoko­late, lobo, at stuffed toy at iba pang regalo sa pamamagitan ng PHLPost.

Siyempre pa, hindi mawawala ang haranang handog ng mga naturang kartero.
“Natatabunan na kami ng technology. Ibinabalik namin iyong advocacy ng letter writing,” sabi ni Dada Marquez, head ng marketing ng PHLPost sa Mega Manila area, sa ulat ng ABS-CBN News.

Magtatagal mula Pebrero 10 hanggang 14 ang nasabing promo.

Bukod dito, naglabas din ng mga ‘Valentine’s Day 2020 – The Love We Deserve’ special stamp ang PHLPost na nagpapakita ng apat na klase ng unibersal na pag-ibig, hindi lang ang romantic love.

“Each of the four topics represents a creed: Love Nature, Love for Country, Love Knows No Gender, and Love Yourself. This issue deviates from the usual way Valentine’s Day stamps are depicted and is intended to touch on subjects the public – especially the youth – can both relate to and reflect on,” ayon sa Facebook post ng Phlpost.

Sa halagang P14 ang kada di­senyo ng mga special stamp. (RC)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More