Una sa Balita

Mga karerista tiis muna sa YouTube

0 631

NALILIBANG ang mga karerista kahit nasa loob lang sila ng kanilang tahanan dahil sumusunod sila sa mga panuntunan ng gobyerno na “Stay at Home”.

At kahit walang karera ay masaya pa rin ang mga racing aficionado basta may internet ang mga ito.

Ayon kay Marcelo De Guzman, beteranong karerista na taga-Sta. Ana, nalilibang siya dahil pinanonood nito ang mga replay ng mga karera at dating mga bakbakan sa YouTube.

“Pinapanood ko ‘yung mga dating laban tulad nina Hagdang Bato, Wind Blown, labanan nina Bulldozer at Strong Material,” kuwento ni De Guzman.

Pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine at hindi ito ma-extend ay magbabalik agad ang karera kung saan ay target nilang umpisahan agad sa April 18.

“Sana matapos na itong pamiminsala ng COVID-19 para bumalik na tayo sa normal na pamumuhay,” ani De Guzman. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More