Una sa Balita

Mga karerista hirap sa Race 1

0 276

WALONG kabayo lang ang kalahok sa Condition race Category 19 na pakakawalan sa unang karera ngayong araw sa Santa Ana Park, Naic, Cavite pero tiyak na pahirapan sa pagpili ang mga karerista.

Magkakaiba ang pang primera ng mga karera tipster sa programa, ito’y dahil mahirap ang lineup.

Ayon sa mga karerista, mahirap mag-single sa Race 1 kapag tataya sa winner take all at para malaki ang tsansa na maka-one point agad ay apat dapat ang piliin.

“Kung may capital ka na malaki apat na kunin mo sa Race 1. Kung nagtitipid ka naman puwede na mag-tatlo,” saad ni Carlito Manansala na mahilig tumaya ng WTA.

Ang napipisil ng mga tipster na pang primera ay sina Magat Sala­mat, Be The One at Storm Chaser.

Makakalaban ng nabanggit na tatlong kabayo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philra­com) sina Princess tin, Princess Michaela, Dimakya Island, Sunday Surprise at Exceptional Gee. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More