Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga karerista hirap manaya

0 223

PANGATLONG pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa darating na Linggo na gaganapin sa Saddle and Club Leisue Park sa Naic, Cavite.

Una dito ang Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas noong Setyembre 6 at sumunod ang San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite nitong Setyembre 13.

Dahil nasa “New Normal” ang karera ay hindi ito katulad ng nakaugalian na karera na may tayaan sa Off-Track.

Sa online ang tayaan, hindi pa masyadong perfect ang betting kaya nagkaroon ng mga problema at naging sanhi ng pagka-delay ng karera sa mga naunang venue.

Kaya naman asahan na posibleng magkaroon muli ng aberya sa susunod na karera dahil unang operation din ng nasabing pista sapul nang mahinto ang noong Marso dahil sa coronavirus.

Pero ayon sa mga may mga koneksyon sa loob ng karerahan ay ginagawa naman ang lahat upang mapaganda at mabigyan ng kasiyahan ang mga karerista.

Samantala, wala pang tiyak kung sino ang tatakbo sa Linggo pero nakahanda ang “3-Year-Old Maiden” at “2YO Maiden” race. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.