Una sa Balita

Mga karerista dedma sa ashfall

0 386

MASAYA ang mga karerista sa dalawang karera sa Metro Turf sa Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Ayon sa mga karerista, bagama’t nalulungkot sila sa mga naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal ay masaya pa rin dahil natuloy ang karera sa nasabing pista.

“Malungkot kasi marami ang naperwisyo sa pagputok ng Taal Volcano, masaya kasi tuloy ang ligaya sa karerahan,” masayang saad ni Juanito Ventura, karerista na nakatira sa Batangas.

“Dahil hindi naman naapektuhan ang karerahan ay sana tumulong ang Metro Turf sa mga naperwisyo ng Taal,” dagdag pa ni Ventura.

Nitong Linggo ay nagliyab ang bulkang Taal, liparan ang mga ashfall sa iba’t ibang lugar at iba ay sinuspinde ang mga klase kaya inaakala ng marami ay ikakansela ang pakarera ng Metro Turf sa Martes at Miyerkoles.

Pero nagkaroon pa rin ng maraming entry patunay lamang na hindi apektado ang mga kabayong pangarera, kaya nagbolahan noong Lunes at nakabuo ng programa para sa Martes at Miyerkoles. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More