Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga karerista bilib kay Queen Lousie

0 79

BUMILIB ang mga karerista sa ipinakitang husay ni Queen Louise sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite kamakalawa ng gabi.

Humarurot sa largahan si Queen Louise upang makipagtagisan ng bilis kay Autumn Shower sa unahan.

Nagsimula ang bakbakan nina Queen Louise at Autumn Shower sa unang 200 metro ng karera, malayong tersero si Fast Sailing habang nasa pang-apat si Best Offer.

Pagsapit ng far turn ay nagbalak nang umagaw ng unahan si Queen Louise pero hindi basta pumayag si Autumn Shower.

Ngunit pagsapit ng huling kurbada ay naisakatuparan ng winning horse ang balak, pagkakuha ng unahan ay tumuloy na ito sa meta upang manalo ng may isang kabayong agwat sa pumangalawang si Autumn Shower.

Nirendahan ni class A rider Fernando Raquel, nirehistro ni Queen Louise ang tiyempong 1:32.4 sa 1,400-meter race sapat upang kubrahin ang added prize na P10,000. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.