Una sa Balita

Mga karerista asar sa panalo ni Murika

0 210

MARAMING nanggalaiting mga karerista sa pagkakapanalo ni Murika sa naganap na Condition Race Merged Category 9 Huwebes nang gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nanalo sa photo finish si imported horse Murika na nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema laban kay Sky Hook.

Subalit paniwala ng mga karerista na nanalo si Sky Hook sa nasabing laban.

“Kitang-kita kung sino nanalo nagawan pa ng paraan paano naman ‘yung mga dehadista,” hinaing ng kareristang nakataya kay Sky Hook.

“Ulo pa lamang ni Sky Hook kay Murika,” komento ng isang karerista sa Facebook page ng karera.

Ipinakita ang litrato ng photo finish pero hindi pa rin nabago ang paniwala ng mga karerista, madiin pa rin nilang sinabi na si Sky Hook ang nagwagi

“Tres (Sky Hook) panalo diyan nagawan lng ng paraan,” sigaw ng panatiko ni Sky Hook.

Samantala, dumating na tersero si Already Feisty habang pang-apat si Forest Cover. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More