WebClick Tracer

Mga Kapos Moments: Ano’ng gagawin mo kapag biglang kinulang nang hindi inaasahan?

Kahit gaano tayo kaingat at kagaling magplano ng budget, minsan may mga sitwasyon na ‘di natin inaasahan. Sa bilihin, pamasahe o gamot — minsan talaga hindi maiiwasang kakapusin tayo sa mga kailangan natin.

Sa mga ganitong pagkakataon, saktong galawan lang ang kailangan para maitawid ang pangangailangan natin. At dahil natural na madiskarte tayong mga Pinoy, narito ang ilang kwento kung paano tayo nakakahanap ng solusyon sa mga bagay na ‘di inaasahan.

 

Handaang simple at pinaghandaan
“Nagtatrabaho ako sa Maynila bilang nurse, kaya bihira ko makita ang mga magulang ko. Kapag bibisita sila, gusto ko silang ipagluto ng paborito nilang sinigang. Pero nung nag-grocery ako, kinapos ang dala kong cash. ₱800 ang total, pero ₱500 lang ang dala ko. Nakakahiya magbalik ng items. Buti na lang naalala ko na may GLoan Sakto. Humiram ako ng ₱300, at diretsong bayad sa cashier gamit ang GCash. Kumpleto na kaming pamilya, kumpleto pa yung handa ko para sa kanila.” – Karyl, Nurse, 32

 

Pakunswelong sigurado laban sa ubo
“Hindi naman ako sakitin kaya nagulat ako nung gumising akong mabigat ang pakiramdam. Sayang ang leave ko kaya pumasok pa rin ako. Kailangan ko sana ng gamot pero kinapos ako sa cash kasi nagastos ko na sa pagkain. Di rin ako nag-alala kasi puwede ko naman i-GCash, kaso wala rin palang laman ang GCash ko! Buti na lang may GLoan Sakto, nakahiram ako ng ₱100 pambili ng gamot. Simple lang gamitin kasi pumasok agad sa GCash ko, kaya madali rin bayaran.” – Mark, accountant, 29

 

Sulit sa sideline
“Teacher ako sa umaga at delivery rider sa hapon hanggang gabi. Motor ang puhunan ko kaya malaki ang gastos sa gas. Madalas online payment pa ang kita ko, kaya minsan kapos ako sa cash. Buti na lang pwede palang mag-GLoan Sakto. Kahit ₱300 na pang-gas lang, kaya kong itawid ang dalawang araw na trabaho. Mabilis lang naman at simpleng gamitin, kaya nasusulit ko yung sideline ko at di ako kinakapos ng pambayad sa gas.” – Leo, Teacher & Delivery Rider, 38

Galawang simple, sigurado, at sulit sa GLoan Sakto
Ano man ang dala ng sitwasyon, madaling makaiwas sa kapos moments kapag gumamit ng GLoan Sakto. Simple lang ito gamitin:

1. Buksan ang GCash app, i-tap ang “Borrow”.


2. Tap “GLoan”, tapos ang “Get Started”.

3. Piliin kung para saan ang loan at i-tap ang “Get this loan”.

4. Siguraduhing tama ang personal information, at mag-agree sa Data Privacy Agreement at loan agreements

5. Siguraduhing tama ang halaga na makukuha sa GCash at i-tap ang “Confirm”.

6. Hintayin ang OTP mula sa GCash, ilagay sa app, at i-click ang “Submit”. Makakakuha ang users ng mensahe mula sa GCash kung eligible sila para sa GLoan Sakto.

 

Kapag na-approve ang GLoan Sakto, sigurado ka nang may pambayad dahil agad din itong papasok sa wallet mo. Dahil maliit lamang ang kailangan, madali rin itong mababayaran. Madali rin itong sulitin dahil kaya mo itong gamitin sa anumang sitwasyong nangailangan ka ng biglaan.

Kaya sa susunod na maipit sa mga hindi inaasahang bayarin, GLoan Sakto ang pinakamadaling galawan para mairaos ang mga panahong kapos.

Para sa karagdagang kaalaman, puntahan ang “Borrow” dashboard sa GCash app, o basahin ang GLoan Sakto article sa GCash Help Center. Maaari ring pumunta sa website na www.gcash.com para sa karagdagang impormasyon.

I-access ang GLoan Sakto sa iyong GCash dashboard o hanapin ito sa “Borrow.” Wala pang GCash? I-download ang GCash App sa Apple App Store, Google Play Store, o Huawei App Gallery.