Mga kandidato `wag pasaway sa kampanya – PNP

Nagpaalala si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos sa lahat ng kandidatong sumunod sa mga ipinagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang pangangampanya para maiwasan pagkalat ng COVID.
Ayon kay Carlos, sana magsilbing halimbawa ang mga kandidato sa publiko kung paanong sundin ang mga guideline ng Comelec para sa pangangampanya.
Nakasaad sa Comelec Resolution No. 10732 ang mga panuntunan kaugnay sa mga kampanya, rally, pulong ang iba pang aktibidad na may kinalaman sa halalan. Binigyang-diin ang pagsunod sa minimum public health standard para iwas hawaan ng COVID.
Babantayan aniya ng kapulisan lahat ng aktibidad na may kinalaman sa eleksiyon subalit mananatili silang walang kinikilingan o kinakampihan.
Hinimok din nito ang publiko na isumbong ang mga kandidatong pasaway sa Comelec. (Prince Golez/Kiko Cueto)