Una sa Balita

Mga kandidato sa Makati, QC binantaan ni Ai-Ai

Kanta ng Ex-Battalion iligal na ginamit

By
0 2,043

Nagbigay ng babala si Ai-Ai delas Alas sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataang elections na tigilan ang paggamit sa kantang Hayaan Mo Sila ng rap group na Ex-Battalion sa mga jingle nilang ginagamit sa kampanya.

“We were advised by concerned citizens that there are local candidates who are using Ex-Battalion’s copyrighted song Hayaan Mo Sila without authority from the Group. We request, in the spirit of integrity and fair play, the concerned individuals to cease and desist from such unauthorized use of the song and its melody. Please be advised that the Group reserves its right to avail of the remedies under the relevant laws afforded it. Thank you,” saad sa tila official statement sa Instagram ni Ai-Ai.

Kalakip ng statement na ito, nagpahayag ang Comedy Queen na, “Para po sa lahat ng kumakandidato…may kagawad sa QC at meron pang sa Makati at sa lahat ng gumagamit sa kanta…kung gusto nyong gamitin ang kanta mag-text lamang sa (0917) 7500291. Maraming salamat po.”

Sobrang sikat kasi ng rap song kaya sumisimple ang ilang barangay candidates na gamitin ito sa jingle nila. Bukod sa Hayaan Mo Sila, may iba pang Pinoy songs na gamit din ng ilang kandidato.

Mahirap nga lang pigilan ang ilang kandidato na gamitin ang kanta sa dami ng barangay sa bansa. Kulang din sa ngipin ang ating Copyright Law kaya kadalasan ay dedma na lang ang nag-i-enforce ng batas.

Baka tapos na ang termino ng mga kandidatong gumamit ng kanta eh, hindi pa natatapos ang reklamong isinampa sa kanila, huh!

Xerex pampabuhay ng dugo ng kalalakihan

Walang dudang malaking tulong ang sex story ng Abante na Dear Xerex upang maging phenomenal ang success nito sa print industry. Bongga kasi dahil pampabuhay talaga ng dugo ito ng mga kalalakihan, huh!

Pero natagalan din bago nagkaroon ng film adaptation ang sex story. Ang Regal Films ang nagtagumpay upang magamit ang salitang Xerex sa title ng isa nitong pelikula na pinagbidahan ni Aubrey Miles at dinirek ni Mel Chinglo. Kasama niya rito ang Fil-Am model-actor na si Jon Hall, at Ynez Veneracion.

Base sa best-selling novel na Xaviera Hollander na The Happy Hooker ang Xerex. Taong 2003 nang ito ay ipinalabas sa mga sinehan.

Isa itong trilogy, ang Karma, O at Butas. Kumita ito nang mahigit P13M ayon sa impormasyon sa Google.