Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga kandidato sa 2022 APOR na

0 213

Isinama na sa klasipikasyon ng authoried persons outside residence (APOR) ang mga kandidato, mga opisyal ng party-list, at ang mga opisyal at personnel ng Commission on Elections (Comelec).

Sa anunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa resolution 140 na inilabas ng Inter-Agency Task Force, maikokonsidera rin umanong APOR ang mga kandidatong magsusumite ng kanilang certificate of candidacy sa susunod na buwan, o kung sinuman ang awtorisadong kinatawan ng isang political party na magsusumite ng kanilang dokumento sa Comelec.

“The IATF approved the inclusion of all Comelec officials and employees as authorized persons outside of residence,” ani Roque.

Kasama rin sa maituturing na APOR ang mga kasama ng mga kandidato na pinayagan ng Comelec batay sa resolusyon ng komisyon na inilabas noong Agosto 18, 2021. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.