Una sa Balita

Mga kandidato, pagbayarin sa basura bago mag-eleksyon

0 289

Panahon na upang pag-aralan at maaa­ring maipatupad ang patakaran na dapat ay pagbayarin na agad ang lahat ng kandidato na sasalba sa eleksyon.

Sa paghahain ng certificate of candidacy sa Comelec ay maaari nang isabay ang pagbabayad ng kandidato para magsilbing pondo sa paglilinis ng nga basura mula sa mga campaign material at iba pa ng ginamit sa panahon ng eleksyon.

Ito ay upang maiwasan na ang pagtuturuan kung sino at kailan dapat alisin ang mga nagkalat na poster, tarpaulin at billboard ng mga kandidato.

Sa kasalukuyan ay kadalasan na ang naglilinis nito ay ang mga barangay at batay na rin sa mga nanalong lokal na opisyal.

Pero kung obligadong magbayad agad ang kandidato para pondo sa paglilinis sa basura sa eleksyon ay wala ng problema.

Maaaring ipamahagi ang pondo sa lahat ng mga barangay na siyang mangunguna sa paglilinis ng pali­gid mula sa basura ng kampanya sa eleksyon.

Hindi na rin kailangan pang magturuan kung sino ang dapat na maglinis.

Asahan na kasi na ang mga natalong kandidato ay malabong mapuwersa na maglinis pa ng basura at gagastos pa para dito.

Sa ganitong sistema ay maaa­ring mabawasan din ang mga kumakandidato na hindi naman seryoso at nagiging bisyo na lang tuwing eleksyon.

Pag-usapan na lang kung magkano ang dapat ilaan na pondo sa bawat barangay upang dito madetermina kung magkano ang iba­bayad ng bawat kandidato bago ang pagsisimula ng election period.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy