Una sa Balita

Mga kandidato bawal sa mga graduation rite — DepEd

0 519

NANINDIGAN ang Department of Education (DepEd) na bawal ang mga kandidato ng 2019 midterm election na makilahok at magbigay ng pagbati sa mga magtatapos ng pag-aaral ngayong taon.

Ito ay matapos manawagan si Commission on Elections spokesperson James Jimenez sa mga pamunuan ng paaralan na huwag mag-imbita ng mga kandidato sa kanilang magaganap na graduation rite.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, nakasaad na rin sa mga election guideline ng kagawaran na hindi nila pinahihintulutan ang mga kandidato sa eleksyon na magbigay ng talumpati o bumati sa mga graduate sa magaganap na graduation ceremony.

“Malinaw naman kasi sa kanilang (Comelec) guidelines what constitutes electioneering. Kung hindi naman ginagamit bilang isang partisan political activity ang graduation, halimbawa ang isang kandidato ay magpapahayag lamang tungkol sa graduation or some issues, hindi naman puwedeng sabihin siguro na electioneering ‘yun,” ayon kay Malaluan.

Dagdag pa ni Malaluan, maaaring gawin ang pangangampanya sa mga political caucuses, conference, meeting,­ rally, parade, at iba pang assembly pero hindi sa graduation rite para sa mga mag-aaral ito na magtatapos ng kanilang level o kurso kaya huwag sanang haluan ng politika.

Maaaring makasuhan ng electionee­ring ang isang kandidato na aktong nangangampanya sa loob ng graduation ceremony at maaari pang maharap sa administrative sanction ang paaralan dito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy