Una sa Balita

Mga kabayo ni E. Diokno bebenta sa Condition race

0 257

ISA sa aabangan ng mga karerista ngayong araw ng Biyernes ang banatan ng pitong kabayo sa Condition Race category 16.

Ilalarga ang nasabing karera sa race 4 sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Tampok sa maglalaban at inaasahang mangunguna sa bentahan sa takilya sina Lockdown at Baisakhi na pag-aari ni Edward Diokno.

Ang ibang tigasing kalahok ay sina My Only Treasure, Irena Smile, Raging War at magkakamping Princess Myomi at Seniorita Mariz.

“Magandang laban ‘yan dahil mahuhusay ang kanilang hinete,” patungkol ni Jordan Caballes kina Lockdown at Baisakhi.

Gagabayan ni apprentice jockey PM Cabalejo si Lockdown habang rerendahan ni star jockey Jeffril Zarate si Baisakhi.

Si Cabalejo ang top apprentice jockey kaya inaasahan siyang magiging class A.

May distansyang 1,200 metro ang nasabing karera. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy