Una sa Balita

Mga kabayo huwag busugin

0 565

NAG-ABISO ang Philippine Racing Commission (Philracom) sa mga horse trainer na pakainin ng matatamis at huwag masyadong busugin ang mga kabayo habang nasa mahabang bakasyon ang mga ito.

Dahil sa biglaang paghinto ng karera dahil sa lockdown, matetengga ng mahaba ang mga kabayo kaya nagbigay ng tip si Philarcom chairman at Dr. Romy Modomo na matatamis lang at konting pakain lang sa mga kabayo upang mapanatili ang kondisyon at hindi bumigat ang kanilang pangangatawan.

Kapag normal na ang galawan ay saka na ibalik sa dating istilo ng pagpapakain sa mga kabayo.

Samantala, sakaling nais ng mga trainer o horse owner na papuntahin ang kanilang beterinaryo para suriin ang mga kabayo, sabihin lang sa doktor na ipakita ang letter na mula sa Philippine Racing Commission kasama ang kanilang PRC at Philracom accreditation IDs.

Pahirapan ang galaw sa karerahan dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Ang nasabing lockdown ay upang makaiwas sa mapanganib na COVID-19. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More