Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga kabataang out-of-school swak na ambassador ng wika

0 149

Bukas para sa lahat ng kabataan, naka-enrol man ngayon sa eskwelahan o ‘di kaya’y out of school, ang posibilidad para maging susunod na ambassador ng wika.

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), maaaring sumali sa 2021 iKabataan Ambasador sa Wika (iKAW) competition, ang mga nasa edad 18 hanggang 25 na nagsasalita ng mga indigenous language sa Pilipinas.

At kahit ang mga huminto sa pag-aaral sa loob ng isang taon o isang semester ay kwalipikado pa rin sa mga kahingian ng iKAW, ayon pa sa KWF. Kinonsidera sa nasabing kompetisyon ang nagpapatuloy na pandemya na nakaapekto sa buong bansa.

Kailangan lang umano na nagsasalita ng katutubong wika sa bansa ang bawat kalahok, sanay sa paggamit ng wikang Filipino at may mabuting karakter o hindi pa lumalabag sa batas.

Maaari umanong magsumite ng rekomendasyon para sa mga kalahok ang mga nakatatanda sa mga indigenous community. Tatanggap ang aplikasyon sa Hulyo 9, 2021.

Dapat din umanong kalakip nito ang overview ng proyekto ng mga aplikante na nais nitong isagawa, bukod pa sa katutubong wika na sinasalita nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni Dr. Jose Evie Duclay, KWF senior language researcher na in charge sa nasabing kompetisyon, kahit anong proyekto na may kinalaman sa pagpapaunlad, promosyon at preserbasyon ng wika ng aplikante ay maaari nilang imungkahi.

Ang magwawagi sa 2021 iKAW competition ay tatanggap ng P100,000 bilang pondo sa kanilang proyekto, at cash prize na P20,000 mula sa KWF.

Iaanunsyo ang magwawagi sa Araw ng Pammadayaw, na ginaganap tuwing Agosto, at magsisilbi bilang opisyal na language ambassador ng KWF sa loob ng isang taon.

Kbilang sa magiging tungkulin ng language ambassador ang pagpapatupad sa nasabing proyekto, pagtulong sa KWF na bumuo ng mga materyal na naglalaman ng impormasyon at magiging modelo para sa preserbasyon ng wika.

Nilunsad ng KWF ang nasabing proyekto noong 2019 na layong magbigay ng kamalayan, protektahan, preserbasyon, at pagsusulong sa mga katutubong wika sa Pilipinas. Hindi ito naipagpatuloy noong 2020 dahil sa pandemya.

Si Jhon Joseph D. Pandong II, isang guro mula Bukidnon na nagsasalita ng wikang Binukid, ang unang nagwagi sa kompetisyon.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.