Una sa Balita

Mga judge, piskal sa Manila corrupt — Duterte

By
0 896

KONTAMINADO ng korapsiyon ang ilang miyembro ng hudikatura parikular ang ilang mga judge at piskal sa Manila.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa rally ng Partido Demokratikong Pilipino (PDP)-Laban sa Biñan City, Laguna nitong Sabado (Pebrero 23, 2019) nang gabi.

Sinabi ng Pangulo na sa kabila ng pagsisikap nito na malabanan ang korapsiyon ay may mga natutukso pa ring gumawa ng katiwalian.

Sinabi ng Pangulo na kahit anong pagsisikap ang gawin ay nababalewala dahil sa korapsiyon.

Pero agad nilinaw ni Pangulong Duterte na mayroon pa rin namang natitirang matinong hukom at piskal.

“Not only diyan sa pulis, dito sa fiscal, aakyat ‘yan diyan sa korte. And some of the judges in Manila are hopelessly corrupt. Mga fiscal, marami yan. But this is not to say that all are contaminated with…marami hong nagsisikap at marangal na mabubuhay,” anang Pangulo.

Matatandaang ilang beses nang binanggit ng Pangulo sa kanyang mga talumpati ang isang judge ng Maynila na wala pa ring pinaparusahan o hinahatulang akusado na sangkot sa iligal na droga kahit umabot na sa halos 800 ang hawak niyang kasong may kinalaman sa illegal drugs kaya binalaan niya ito na mag-ingat sa mga ginagawa nito. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy