Una sa Balita

Mga jobless OFW sa China nagpasaklolo sa DOLE

0 441

Nagpapasaklolo sa gobyerno ang maraming overseas Filipino workers sa China dahil halos wala ng kita at ang iba ay nawalan ng trabaho dahil sa epektong idinulot ng coronavirus disease 2019.

Sinabi ni Philippine Ambassador to China Jose Sta. Romana sa Laging Handa press briefing na karamihan sa mga manggagawang Pinoy sa China ay “no work, no pay” dahil nagsara ang lahat halos ng mga establisimento na pinapasukan ng mga ito.

Ang mga English teacher naman aniya ay tumatanggap lamang ng living allowance na hindi sapat sa kanila kaya nananawagan ang mga ito sa Department of Labor and Employment (DOLE) na saklolohan sila .

” Ang problema ng mga OFW dito sa China ay trabaho. Karamihan sa kanila ay “no work no pay” at walang kita kaya nagtatanong sila kung matutulungan sila ng DOLE .Para sa mga teacher, under paid sila ngayon dahil walang klase sa China at living allowance lamang ang tinatanggap na hindi sapat sa kanila,” ani Sta. Romana.

Karamihan sa mga naapektuhan sa China ay mga guro, entertainers at iba pang propesyon.

Malaki rin aniya ang problema ng mga undocumented household workers na naapektuhan ng lockdown sa China at karamihan sa mga ito ay gusto nang umuwi sa bansa.

Gayonman, bago makauwi sa Pilipinas ay kinakailangan munang i-proseso sila ng Chinese police at kinakailangan na rin ng mga undocumented OFW ang exit visa.

“Marami ring undocumented na household workers na nawalan ng trabaho at gustong umuwi pero mayroong proseso ang Chinese government na kailangang sumuko muna sa Chinese police, at kailangan na rin nila ng exit visa,”dagdag pa ni Sta. Romana. (Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More