Una sa Balita

Mga jeepney driver ng Makati nakalibre sa smoke emission test

0 115

Nagsagawa ang Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) team ng Public Safety Department (PSD) ng Makati ng libreng smoke emission test para sa mga pampublikong jeepney sa PRC-Carmona, matapos itong ipag-utos ni Mayora Abby Binay upang makatulong sa mga jeepney driver na apek­tado ng mataas na presyo ng langis.

Dahil dito, nakalibre ang mga nagpa-smoke emission test sa P300 na itinakdang fee ng Vehicle Emission Control Code of Makati. Inumpisahan naman kamakailan ni Mayora Abby ang pamamahagi ng mga Pamaskong Handog ticket sa mga kasapi ng mga organisadong transport group sa lungsod, kabilang ang Makati Tricycle Fede­ration (MATRIFED) at ang Federation of Jeepney Drivers-Ope­rators Associations.

Aniya, itinuturing ng kanyang pamunuan ang mga tricycle at jeepney driver at ope­rator bilang katuwang nito sa paglilingkod sa Makatizens.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy