Una sa Balita

Mga isyu sa SEA Games tututukan ni Ramirez

0 387

AMINADO si Team Pilipinas Chef de Mission at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa kinakaharap na malalaking isyu sa pagho-host ng bansa sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games subalit hindi ito nag-aalala para sa pagpapatakbo ng kada dalawang taong torneo simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“Totoo iyan, I already received some report. Sabi nga nila, photo finish na naman tayo. But I am not worried,” sabi ni Ramirez matapos dumalo sa isinagawang paglulunsad ng grassroots sports program sa football na NOFA – Luzon Cup sa Century Park Sheraton.

“But I leave it to Phisgoc,” sabi pa ni Ramirez. “Although I feel worried and concerned as part of the government, I am confident that magagawa natin agad maresolusyunan ang mga iyan.”

Una nang nabunyag ang napakalaking isyu na kinakaharap sa nalalapit na pagsasagawa ng ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games matapos ang isinagawang assessment at alignment meeting ng isang asosasyon na kabilang sa 56 na sports.

May 17 araw na lamang bago ang opisyal ng pagbubukas ng SEA Games matapos ikahulog sa kanyang silya ng isang competition manager ang situwasyon ng malaman ang iba’t ibang detalye hinggil sa kasalukuyang situwasyon mula sa representante ng nag-oorganisang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

Ilan sa ikinataas ng presyon ng opisyal ang kawalan ng internet na napaka-importante at lubhang kinakailangan nito para sa buong operasyon ng kanyang pinamamahalaang sports.

Dahil sa kawalan ng internet ay hindi maisagawa ng namamahala sa IT ang makuha ang lahat ng mga detalye ng mga kalahok sa torneo at hindi makumpleto ang pag-upload ng mga kinakailangan nitong software upang maayos na maisaimplementa ang mga program na gagamitin sa torneo. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy