Una sa Balita

Mga isda sa Taal Lake bawal kainin

0 369

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na ­huwag nang manghuli at kumain ng isda mula sa lawa ng Taal ­kasunod ng pagsabog ng bulkan dahil sa epekto ng sulfur at iba pang kemikal na nahulog dito.

Ayon kay Assistant Secretary Maria Francia Laxamana, hindi ligtas para kainin ang mga isda na mula sa lawa lalo na kung ­patay na itong nakuha dahil sa mga ­posibleng laman nito na ­masama sa kalusugan ng tao.

“Unang-una po pinagbawal na. Definitely, meron po tayong mga advisory na lahat ng mga nanggagaling sa area ng Taal, Batangas, talaga wala nang bibili kasi hindi natin maaasahan ‘yung safety ng ating mamamamayan,” sabi ni Laxamana.

Sabi pa ng opisyal, kabilang sa sintomas ng pagkalason sa isda ay pananakit ng ityan, ­pagsusuka at pagtatae.

“Kung masakit ang tiyan bibigyan natin ng ­anti-spasmodic, kung nagtatae, kailangan ng ­rehydration kasi parang food ­poisoning ‘yan lalo na ‘pag walang tigil na pagtatae at ­pagsusuka,” ayon pa sa opisyal.

Nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Bulkang Taal, nangangahulugan itong nakaamba pa rin ang delikadong pagsabog nito sa loob ng susunod na mga oras o araw. (­Aileen Tali­ping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More