Una sa Balita

Mga isda sa Pasig River bawal hulihin — PRRC

0 634

DINAGSA na ng mga isda ang Pasig River na indikasyon na matagumpay ang 20-taong kampanya ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) na buhayin ito.

Gayunman, ibinabala ni PRRC Chairman Jose Antonio E. Goitia na hindi pa maaaring kainin ang mga naturang isda dahil nagtataglay pa ang mga ito ng nakalalasong kemikal.

“We in the PRRC, are thankful to see the return of fishes, other aquatic life, and biodiversity in our beloved Pasig River. Their presence is a sign that the river has indeed improved after it was declared biologically dead in the 1990s,” wika ni Goitia makaraan ang resulta ng ‘Biodiversity Assessment of Pasig River and its Tributa­ries: Ecosystems Approach’ na isinagawa ng DENR.

Napag-alaman nabubuhay sa Pasig River ang walong klase ng isda kabilang ang Kanduli, tilapia, janitor, banak, bulaong, carpa at hito.

Nagbabala si Goitia na hindi dapat hulihin at kainin ang mga isda dahil may lason ito at mas makabubuting makalaya silang mamuhay sa natu­rang ilog.

Pinaiiwasan din ng PRRC ang maligo sa Pasig River dahil nananatili pa ring kontaminado ito ng mga itinatapong waste product ng mga pabrika.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy