Una sa Balita

Mga ipapa-ban sa US sinumite ni De Lima

0 445

HAWAK na ng State Department ng Estados Unidos ang listahan ng mga opisyal ng gobyerno na responsable sa pagpapakulong kay Senador Leila De Lima at ipapa-ban sa pagtapak sa Amerika.

“Yes, I have submitted but I cannot share in deference to the US State Department,” ayon sa statement ni De Lima na nagdiwang ng ika-3 taon pagkakakulong niya sa custodial center ng Camp Crame sa Quezon City nitong Lunes.

Aniya, noon pang ikalawang linggo ng Enero niya sinumite sa US Embassy sa Maynila ang lista­han ng mga taong ipapa-ban niya sa Amerika.

Nakapaloob sa US Fiscal Year 2020 State and Foreign Operations Appropriations Bill na nilagdaan ni President Donald Trump na naging batas noong Disyembre 2019 ang probisyon na nag-aatas sa State Department na pagbawalang makatapak sa Amerika ang mga nagpakulong kay De Lima.

Binanggit na ni De Lima sa statement noong Enero na ang listahan ng mga government official ay kasama ng summary at citation of refe­rence. Aniya, recommendatory lang naman ang kanyang listahan at hindi ‘binding’ sa US government.

“The final determination as to who will be part of the official list as subjects of the US entry ban lies entirely on [the State Department]. It may or may not publish said list,” sabi ng senadora.

Siniwalat din ng senadora na nakipag-ugnayan na sa kanya ang Australian Parliament tungkol sa Magnitsky Act.

Ang Global Magnitsky Human Rights Accountability Act, isang batas na pinatutupad sa US ay nagpapahintulot sa American government na parusahan ang mga human rights offender, i-freeze ang kanilang mga asset at i-ban sila sa US.

Balak din umano ng Australia na magpatupad ng kahalintulad na batas sa hinaharap kaya hinihingi ang opinyon ni De Lima. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More