Una sa Balita

Mga inulila ni showbiz personality nagdemandahan

ANYTHING GOES

0 806

abante-anything-goes-jun-lalinAlam mo, Dondon, naka­ka-sad na nauwi sa demandahan ang problema sa pagitan ng dalawang naulila ng isang showbiz personality (SLN).

Noong una, akala ko ay okey na okey na ang dalawang taong ito na alam kong mahal na mahal ni showbiz personali­ty noong nabubuhay pa siya, pero nang yumao na nga siya, napakaraming mga bagay ang naglabasan at nauwi nga sa demandahan ‘yon.

Isang malapit din kay showbiz personality noong nabubuhay pa siya ang tinanong ko tungkol sa awayan na ‘yon, pero tikom lang ang mga labi nito pagdating sa bagay na ‘yon.

Marami rin sa mga malalapit kay showbiz personality noong nabubuhay pa siya ang ayaw magsalita tungkol doon.

Karamihan sa kanila ay mas gustong maayos na lang ang gusot sa pagitan ng dalawang taong ‘yon dahil alam nila na kung nabubuhay lang si showbiz personality ay sobra itong malulungkot sa nangyayari sa dalawang mahal niya.

Noong araw nga na nagkaroon din ng problema ang dalawa at nabubuhay pa si showbiz personality ay sobra itong nalungkot at noong nagkabati nga ang dalawa, ipinagmalaki ‘yon sa akin ng yumaong showbiz personality.

Martin, Lani concert super tagumpay

Nagkasakit ako noong Valentine, kaya naman ikinuwento na lang sa akin ng StarMedia Entertainment producer na si Anna Puno ang success ng Timeless Classics concert nina Martin Nievera at Lani Misalucha.

“Darling, ang dami pang gustong bumili ng tickets, pero sold out na, kaya hindi ko napagbigyan,” sabi ni Anna.
Nag-iisip na nga si Anna ng repeat ng Timeless Classics, ang problema lang ay ang schedule pareho nina Martin at Lani dahil marami rin silang commitments, kaya kung mag-repeat man, matatagalan pa!
Hindi lang basta puno ang Timeless Classics, sabi ni Anna, happy rin daw sina Martin at Lani sa magandang feedback sa nasabing concert.

“Sobrang enjoy ang mga nanood, sayang talaga at wala ka,” sey ni Anna.

Nakatsikahan ko nga pala si Anna sa backstage ng Newport Performing Arts Theater noong Saturday pagkatapos naman ng Hitmakers & Ai na sobrang successful din!

Nang makita nga ako ni Ai-Ai delas Alas, nag-dialogue siya sa akin ng, “Congrats sa ating lahat! Ang ganda ng show!”
In fairness, nagawang makipagsabayan ni Ai-Ai kina Hajji Alejandro, Rey Valera at Marco Sison.

Bumilib nga pala ang mga nanood ng Hitmakers & Ai kay Marco dahil kahit may sakit siya, nagawa pa rin niyang makapag-perform.

“Siyempre, the show must go on kahit I’m not feeling well at may sipon pa,” sabi ng hanggang ngayon ay very charming singer.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy