Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga influencer, vlogger tinatakasan tax – BIR

0 184

Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga social media influencer na may obligasyon sila sa pamahalaan at ito ay ang pagbabayad ng buwis.

Nakapaloob ito sa memorandum circular kaugnay sa tax obligations ng social media influencers.

Sinabi ng ahensiya na nakatanggap sila ng balita na may ilang social media influencers na hindi nagbabayad ng mga income tax sa kabila ng malaking kita sa iba’t ibang social media platforms.

Hindi rin umano nakarehistro sa BIR o nasa ibang line of business ang mga ito at hindi nagdedeklara ng earnings.

Babala ng BIR, posibleng makasuhan ang mga ito ng paglabag sa income tax at business tax.

Sa ilalim ng income tax, ang tinatawag na “gains or profits” na nakukuha ng social media influencer o mga serbisyo kahit anupaman ang bayad.

“Therefore, if a social media influencer receives free products in exchange for the promotion thereof on his/her/it YouTube channel or other social media accounts, he/she/it must declare the fair market value of such products as income,” sinabi ng BIR.

Ang social media influencers na lalabag ay papatawan ng P500,000 hanggang P10 milyong multa, ayon sa BIR. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.