Una sa Balita

Mga importanteng aspeto ng Bayanihan Act

0 492

Narito ang mga importanteng aspeto ng Bayanihan Act na nagbibigay sa Pangulo ng dagdag na kapangyarihan upang harapin ang malaking hamon ng pandemyang COVID-19.

Gusto ko itama ang mga maling inpormasyon na ikinakalat ng mga taong hindi makapaghintay sa susunod na eleksyon para magtalaga ng bagong pangulo. Ito ay inihanda ni Dean Ada Abad ng Adamson University Law School. Siya ay kaklase ko noong high school pati na rin sa UP Law School.

1. Mahusay at epektibong akreditasyon ng test kits

2. Maagap na pagsusuri ng mga PUIs at PUMs

3. Kinakailangan at agarang paghihiwalay at paggamot ng mga pasyente

4. PhilHealth coverage ng lahat ng gamutang resulta ng COVID-19

5. Emergency subsidy na nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P8,000 na ipagkakaloob ng pamahalaan sa 18 milyong pamilya na kumikita ng mababa

6. Special Risk Allowance para sa lahat ng public health workers bukod pa sa hazard pay

7. PhilHealth coverage para sa lahat ng public and private health workers kapag sila ay nahawahan ng COVID19

8. P100,000 kabayaran sa mga public and private health workers na magkakaroon ng malubhang COVID-19 habang nasa trabaho at kabayarang P1 million sa public and private health workers na mamamatay dahil sa COVID-19

9. Tiyakin ang pagsunod ng mga LGU habang iginagalang pa rin ang kanilang awtonomiya

10. Limitadong pagkontrol na may wastong kabayaran sa mga sumusunod kung hindi makatarungang tumanggi o hindi kayang pangasiwaan ang operasyon sa panahon ng krisis ng COVID-19, at nagbibigay ng mga parusa para sa mga paglabag sa mga ito:

– pribadong ospital
– gusaling titirahan ng mga health workers
– transportasyon para sa front liners;

11. Pagpapatupad ng mga panukala laban sa hoarding at profiteering para sa pagkain, damit, at pangangailangang medical

12. Tiyakin na ang pagbibigay ng donasyon ng mga produktong pangkalusugan ay hindi naaantala

13. Ang priyoridad ng pagkuha, paglalaan at pamamahagi ng mga produktong medikal tulad ng mga test kits, PPEs, medical devices ( mechanical ventilators), at mga gamot

14. Paglalaan ng mga pangangailangang medikal sa mga itinanalagang ospital para sa mga pasyenteng may COVID-19

15. Tumanggap ng volunteer health workers na bibigyan ng wastong bayad maliban pa sa hazard pay

16. Siguruhin na may mayroong paraan para mangutang sa mas mababang interes ang mga nagnenegosyo sa paggawa ng pagkain

17. Pagbibigay ng insentibo sa mga manufacturers/importers ng healthcare supplies

18. Tiyakin ang supply chain ng pagkain at gamot

19. Isaayos ang transportasyon at trapiko

20. Pahintulutan ang mga alternatibong kaayusan sa trabaho sa pampubliko at pribadong sektor

21. Karagdagang badyet mula sa Executive Department para sa DOH, UP PGH, calamity fund, DOLE para sa mga nawalan ng trabaho, DTI Livelihood Seeding Program, DA Rice Farmers Financial Assistance, DepEd School Based Feeding Program, Tulong sa DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situations, LGUs, Quick Response Funds

22. Paggamit ng Special Purpose Funds bilang tugon sa COVID-19

23. Ilipat ang mga deadline para sa pag-file ng anumang ligal na dokumento

24. Moratorium para sa lahat ng mga pautang kabilang ang personal, pabahay, sasakyan, credit card na nataon ang petsa ng pagbabayad sa panahon ng kuwarentina sa minimum na 30 araw nang walang parusa, interes at iba pang bayad

25. Ang pagliban sa bayad sa pag-upa ng tirahan sa loob ng 30 araw nang walang mga parusa, interes, at iba pang bayad

26.Alisin ang 30% na limitasyon sa Quick Response Fund;

27. Iulat sa Kongreso ang halaga, realignment ng mga pondo tuwing Lunes ng linggo

28. Ang pagiging epektibo ng mga kapangyarihang ito ay para sa “3 months, unless extended by Congress”

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More