Una sa Balita

Mga illegal recruiter kahilera na ng illegal drug trade

0 399

INIHANAY na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga illegal recruiter sa level ng mga sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na matindi ang galit nito sa mga illegal recruiter dahil ang mga ito ang dahilan kaya nasasadlak sa pagiging alipin ang mga Pilipino sa ibang bansa lalo na sa Middle East.

Nakakagalit aniyang malaman na pati mga menor de edad ay pinapaalis ng mga illegal recruiter sa pamamagitan nang pagdoktor sa dokumento ng mga ito at pagdating sa ibang bansa ay nagiging alipin lang.

Sinabi ng Pangulo na walang ipinagkaiba ang mga illegal recruiter sa mga nasa illegal drug trade dahil parehong winawasak ng mga ito ang buhay ng kanilang mga nabibiktima.

“Kayong mga recruiter, I am putting you on the level na parang shabu rin. Kaya ganito na lang ang galit ko sa mga recruiters na yan. If there’s a chance patayin kita p***i** galit na galit talaga ako diyan,” anang Pangulo.

Nag-ugat ang ngitngit ni Pangu­long Duterte sa kaso ng tatlong menor de edad na Pilipino na nasa 16-17 anyos na hindi na makontak ng kanilang mga pamilya.

Humingi aniya ng tulong sa kanya ang mga magulang ng tatlong Pinoy para mahanap ang kinaroroonan ng mga ito matapos ipadala ng mga illegal recruiter sa Gitnang Silangan.

Naniniwala si Pangulong Duterte na nahulog na sa slavery o pagiging alipin ang tatlong kabataan kung saan ligal ang slavery sa Middle East. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy