Una sa Balita

Mga hurado pinagpapaliwanag: Vice Ganda hugas kamay sa pagkaligwak sa ‘TNT’ ni Mariane

0 1,280

Umamin si “It’s Showtime” host Vice Ganda na siya mismo ay nagulat sa nakaraang laglagan sa “Tawag ng Tanghalan” segment nila. Dito’y nanaig si Mariko Ledesma kontra kay Mariane Osabel, at nag-trending nga sa Twitter ang lumabas na resulta sa voting process.

Base sa resulta ng “resbakan” stage, nakakuka si Mariko ng 50% mula sa mga hurado at 33.74% sa text votes na kumanta ng “(I Can’t Get No) Satisfaction”. Si Mariane naman ay nakakuha ng 16.50% mula sa mga hurado at 50% sa text votes sa pagbirit ng “Run To You” ni Whitney Houston.

Tila nagtataka ang madlang pipol kung bakit ganu’n ang naging hatol ng mga hurado kay Mariane samantalang outstanding naman diumano ang kanyang performance.

Upang payapain ang damdamin ng mga netizen, nag-tweet na si Vice Ganda:

“Ok for the TnT fans tweeting me. I talked to the staff and told them that the viewers’ sentiments have to be acknowledged. So i asked if we can hear a word from Sir Louie since sya lng ang judge kahapon na present kanina.

“I was told na the Hurados will talk and will come up with a statement after. They’re aware na madaming disappointed. I myself was shocked. And i would love to hear and respect what they would have to say. So lets just wait. Love u guys!”

Si Mariane naman ay nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanya at tanggap naman ang kanyang kabiguan.

“I know a lot of you are confused and frustrated, so am I.

“But don’t worry kasi hindi ako magpapaapekto and that won’t stop reaching for my goal! Kung hindi para sa akin, kahit ano pang gawin ko, tumambling man o lumuhod, ‘di talaga ‘yan akin.”

Habang isinusulat ito ay hindi pa naglalabas ng naturang statement ang Kapamilya noontime show. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy