Una sa Balita

Mga hoodlum sa BOC, pinangalanan sa sumbong kay Presidente Duterte

0 390

Alam niyo bang isinumbong na pala kay Pang. Rodrigo Roa Duterte ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na nagbibigay ng íka nga ay free pass at proteksyon na kahit anong kargamento ay lulusot kahit droga.

Ayon sa aking bubwit, napuno na ang mga legit na importer, brokersat matitinong opisyal at empleyado ng BOC sa sindikato ng mga corrupt at salbaheng opisyal na karamihan ay abogado pa naman kaya naglakas-loob na silang magsumbong sa Presidente.

Ang mga nagsumbong na importers, brokers at mga organic sa BoC ay hindi na umano matiis ang ginagawa ng sindikato habang dehadong-dehado ang mga kagaya nilang lumalaban ng parehas.

Hawak na ng Pa­ngulo ang makapal na dokumento ng pangalan ng bawat isa sa sindikato at ang papel nila sa pinalulusot na mga kontrabando. Abangan natin ang reaksyon ng Presidente sa mga darating na araw lalo na sa kanyang speeches, lalo’t kilala ang Presidente na nanggugulat at bigla na lang sinisibak ang mga loko sa gobyerno. Tiyak na iinit ang ulo ng Pangulo sa sumbong.

Ayon sa aking bubwit, isa sa mga pangalang ipinadala kay Presidente ay ang dating opisyal ng NFA na nalipat sa BoC dahil sa kanyang padrino sa Davao na malakas sa Palasyo. Dating gawi pa rin pala ang opisyal na mula sa NFA ay napadpad sa Aduana at mukhang lalo pang bumangis.

Ayon pa sa aking bubwit, lumitaw sa dokumento na ang ginagawa ng sindikato ng mga abogado at opisyal ng BoC ay labas sa kontrol o li­ngid sa alam ng Commissioner, ibig sabihin bukol sa kanila ang BOC chief. Tsk.

Ang mga isinumbong kay Presidente na sindikato sa BoC ng tinaguriang free pass at proteksyon sa kontrabando kahit na droga pa `yan ay sina, initials na lang po ah ayoko naman pangunahan ang Chief Executive, Attys. J, B, B, L, P, Dir. A at dalawa pa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy