Una sa Balita

Mga hoarder ng bigas lagot sa DTI

0 230

NAGBABALA si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa umano’y napabalitang mga hoarder ng mga imported na bigas dahilan upang nananati­ling mataas pa rin ang presyo ng mga commercial rice sa pamilihan.

Ayon kay Lopez, kanilang kakasuhan ang mapapatunayang hoarder ng mga commercial imported rice ng economic sabotage.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi na dapat mataas ang presyo ng commercial rice dahil sa dagsa na ang mga imported rice na inangkat ng mga negosyante.
Kaugnay nito ay inihayag ng DTI na maglalabas ito ng panibagong Suggested Retail Price (SRP) sa ilang produktong nagtaas ng presyo.

Pinag-aaralan at sinusuri na ng kagawaran ayon kay Lopez ang mga brand ng mga produktong tataas ang presyo.

Sinabi ni Lopez, posibleng sa susunod na dalawang linggo ay mailalabas na ang pani­bagong SRP. ­(Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy