Una sa Balita

Mga HIV positive lumantad sa TV

0 579

#BawalJudgmental ng ‘Eat Bulaga’ trending:

Maraming Dabarkads ang labis na bumilib sa mga lumahok sa segment ng “Eat Bulaga” na ‘Bawal Judgmental’ kamakailan.

Ang segment na iyon kasi ay huhulaan ng mga player kung alin ang tama sa mga pagpipilian na mayroong distinctive past experience, characteristics at iba pang mga kakaibang katangiang mayroon sa kalahok.

Nitong Sabado, grupo ng mga taong diagnosed na positive with Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang lumahok, which is hindi inaasahan ng mga Dabarkads na matapang na haharap sa publiko ang mga ito. Hindi madaling ipagsabi sa mga tao lalo sa national TV ang kanilang kalagayan.

Isang malaking hakbang nga ang pagpapakita sa publiko kapag nasa ganoong kondisyon, dahil maaaring makatanggap ng pambabatikos sa maraming tao. Pero hindi na nga nila pinansin ang sasabihin ng iba, basta’t makapagbigay ng awareness sa publiko ang kanilang nais iparating.

“HIV is not a disability, it can kill our immunity but not our humanity,” ani pa ni Kael na isa sa mga kalahok.

Dahil dito, marami ang naging emosyonal sa pagbabahagi ng kuwento ng mga kalahok na may HIV, maski ang mga host ng programa gaya ni Paolo Ballesteros ay hindi napigilang umiyak sa narinig na kuwento at encouraging words mula sa mga naturang kalahok.

Agad din itong nag-trending sa social media, hinangaan nga ng libo-libong netizen ang mga kalahok sa pagiging matapang ng mga ito.

Makikita rin ang mainit na pagtanggap ng mga taga-“Eat Bulaga” sa kanilang mga kalahok na may HIV. Pati ang live audience sa kanilang studio ay naantig ang puso at talagang naramdaman ang nais iparating ng mga kalahok.

Pinasalamatan din ng mga fan ang “Eat Bulaga” sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga taong may HIV na magbigay ng awareness sa publiko.

Ngayong Disyembre nga ay AIDS Awareness Month. Ito na nga yata ang may pinaka-effective na kampanya hinggil sa sakit na ginawa ngayon sa national TV. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More