Una sa Balita

Mga high-tech traffic light ibibida sa Cebu City

0 255

Maglalaan ng P500 milyong budget ang pamahalaang lokal ng Cebu City para ma-mo­dernize ang kanilang traffic light at malunasan ang matagal nang suliranin sa trapiko sa buong siyudad.

Ayon kay Mayor Edgardo Labella, ang proposed na modernong traffic light system ay may mga sensor, closed-circuit television (CCTV) high-re­solution camera, detector na kayang makita ang pinagmulan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko at may itatayo silang command center.

Ang traffic light system sa Cebu City ay kailangang naka-synchronize sa Talisay City at Mandaue City upang makita ang daloy ng mga sasakyan.
Kasama ang proyekto sa second supplemental budget na inilaan ng alkalde at inilapag na sa city council para pag-aralan.

Sinabi naman ni Ricardo Barandog Jr., hepe ng Cebu City Transportation Office (CCTO), kailangan nang baguhin ang buong sistema ng kanilang mga traffic light na nasa mahigit 30 taon na ang Sydney Coordinated Adaptive Traffic System (SCATS).

Kailangan umano ng ‘all in one’ na sistema na may mga high-resolution camera, command center at traffic light na hindi magkaka-error kahit may malakas na kulog at kidlat. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy