Una sa Balita

Mga higanteng ligaw

0 335

Mga ka-Misteryo naka-rinig na ba kayo ng kuwentong may mga higante na nanira-han sa lupa noong unang mga panahon? Paano kung mari-nig niyo ang kuwento na kahit sa panahon na ito ay gumagala pa rin ang mga higante?

Yan ang ating misyon: “Kapag may Misteryo, Alamin natin ang Totoo!”

Si Joemarie ay kali-lipat lamang sa isang c­ondominium sa Pasay at tulad ng mga nakagawian pag bagong lipat ay excited sa pagsasaayos ng mga gamit na karamihan ay mga bago.

Unang gabi ng kanyang paglilipat bahay ay inabot siya ng alas-tres nang madaling-araw na gising bagaman naka-tulog na ang kanyang kapatid sa matinding pagod sa buong maghapon ng paghahakot sa kanilang gamit.

Kapwa ulila na ang magkapatid, mula nang mamatay ang kanilang mga magulang sa isang aksidente ilang taon na ang lumipas.

Nasa panglimang palapag lamang ang kanilang condo unit kaya’t mas kita niya ng malapitan ang mga tao o sasak-yan na nagdaraan sa kanilang tapat.
Nagulat na lamang si Joemarie nang nagkataong mamintana siya para tignan ang paligid habang kabilugan ng buwan nang mapansin niyang may malaking anino ng tao na tila nakasandal sa katapat nilang gusali.

Hindi lang malaki kundi napakalaki ng anino kaya’t sinikap niyang tignan kung saan galing ang anino.

Sobrang gulat At natakot siya nang biglang may gumalaw at may umupo sa gilid ng bubong ng isang dalawang palapag na bahay sa tabi ng katapat nilang gusali.

Related Posts

Kinusot ni Joemarie ang kanyang mga mata baka namamalikmata lamang siya ngunit hindi nawala sa kanyang pa-ningin ang higante na sa tantiya niya ay mas mataas pa sa ika-limang palapag na kanyang tinutuluyan.

Isinalarawan ni Joemarie ang kasuotan mg higanteng nilalang na parang mga katutubo bagaman meron siyang damit na tila gawa sa balat ng hayop. Big-lang tumayo ang higante at muli siyang nagulat na may lumitaw na isa pang higante at ito ay babae nang maaninag niya ang mahabang bigla nito.

Hindi makapaniwala sa kanyang nakita si Joemarie at nawala sa isip niya na kunan ng litrato ang dalawang higante dahil sa takot na rin na makita siya pag gumalaw siya sa kanyang kinatatayuan sa tabi ng bintana.

Pagkatayo ng dalawa ay tila aktong tatalon at doon na nawala sa kanyang paningin ang mga higante. Hindi na niya ikinuwento ang kanyang nakita sa kanyang kapatid At sa mga kaibigan sa takot na mapagkamalan siyang baliw.

Naalala ko tuloy ang kuwento ng tiyahin ng isang kaibigan sa La Union na biglang nagsisigaw sa matinding takot nang biglang lumitaw ang sobrang l­aking paa at hindi makita ang tuhod ng isang higante sa tabi ng sinasakyan niyang kalesa patungong palengke.

Halos mabaliw ang tiyahin ng aking kaibigan sa kanyang nakita mabuti na lamang at agad siyang ti-nulungan ng kutsero agad na dinala pabalik sa kanyang bahay.

Sa aking pananaw maaaring iilan lamang ang maaaring makakita sa mga higante dahil sila ay nasa kabilang dimensiyon at may pagkakataon lamang na nakakapasok sila sa dimensiyon ng mga tao.

Para sa inyong mga kuwentong kababalaghan mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang Abante website at www.reytsibayan.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy