Una sa Balita

Mga hepe ng pulis binalasa sa CALABARZON

By
0 164

Nagpatupad ang Police Regional Office Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (PRO CALABARZON) ng balasahan sa hanay ng mga hepe ng pulisya sa 18 bayan at lungsod sa buong rehiyon kamakalawa.

Kabilang sa mga binalasa ang mga hepe sa mga siyudad ng San Ped­ro, Sta. Rosa, Biñan, at San Pablo sa Laguna; Dasmariñas, Trece Martirez, at Cavite City sa Cavite; Sto. Tomas at Lipa City sa Batangas; at Sariaya at Tiaong sa Quezon.

Ang balasahan ay ipinatupad matapos ang assessment at deliberation ng oversight committee ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PRO CALABARZON Regional Director Chief Supt. Ma. O Aplasca, ilan sa mga hepe ay umabot na sa dala­wang taong panunungkulan kaya’t nararapat na ilipat naman sa ibang posisyon.

Binigyan ni Aplasca ang mga bagong hepe ng tatlong buwan para magpakitang-gilas sa kanilang kakayahan na pamunuan ang mga pulis sa kani-kanilang nasasakupan. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy