Una sa Balita

Mga hayop huwag pabayaan sa ashfall – mga netizen

By
0 290

Nakiusap ang madla sa mga may alagang hayop na iligtas ang mga ito sa ashfall maging ang mga stray dog at cat.

Ang panawagan ay matapos kumalat sa social media ang mga litrato kung saan makikita na pinabayaan lang na maulanan ng abo ang mga hayop.

Kung delikado anila sa mga tao ang ashfall, lalong higit sa mga hayop.

“Sa mga affected/ abot ng ashfall!! pls pls papasukin nyo sa loob ng bahay nyo yung mga pets nyo or kahit mga stray dogs/ cats na makita nyo kahit for tonight lang even yung mga chicken na alaga nyo maawa kayo di funny yung ganito pls,” ani @celsvll.

“Sa may mga alaga pong pets reminder lang din po na ilayo/ipasok sa loob ng bahay para hindi makalanghap or maapektuhan ng ashfall,” sabi ni@Zafhearts.

“Please do not forget our pets to be in a safe place. Please keep them inside also,” tweet ni @audreydavid___.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More