Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga guro proteksiyunan sa pandemya

0 64

Matapos maiulat ang pagkamatay ng limang personnel ng Department of Education (DepEd) sa Isabela, hinikayat muli ni Senador Win Gatchalian ang pamahalaan kabilang ang Kagawaran ng Edukasyon na itaguyod ang kapakanan ng mga guro sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Kabilang sa pangangalaga sa kapakanan ng mga guro, ayon kay Gatchalian ay ang mahigpit na pagpapatupad ng alternative work arrangement, pagtiyak sa access nila sa sa COVID-19 testing, pagpapagamot sa mga mahahawaan ng virus, at pagbibigay prayoridad sa mga guro sa vaccination program ng pamahalaan.

Ayon naman sa School Division Office ng Isabela, nakipag-ugnayan na ito para sa mga naiwang pamilya ng mga pumanaw upang magpahatid ng agarang tulong at mabilis na maibigay ang mga benepisyong nakatakda nilang matanggap. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.