Una sa Balita

Mga guro, paaralan tulong ni Digong sa Papua New Guinea

By
0 286

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na tutulong para sa pag-unlad ng Papua New Guinea sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga guro at pagtatayo ng mga paaralan.

Ipinaabot ito ng ­Pangulo sa mga opisyal ng Papua New Gui­nea sa kanyang pagharap sa Filipino community kamakalawa ng gabi.

Nakahanda aniya ang gobyerno ng Pilipinas na magtayo ng mga paaralan at magturo ng livelihood programs para mapakinabangan ng susunod na henerasyon.

Sinabi ng Pangulo na magpapadala siya ng mga magtuturo ng ­vocational skills training sa pamamagitan ng TESDA o Technical Education and Skills Development ­Authority.

“We need to develop and deve­lop well Papua New Guinea. We are willing to help establish schools. We will send vocational skills training on TESDA. Gover­nor, we are willing to help your livelihood pro­jects here. Maybe the next gene­ration could be at least receptive of improvement,” anang Pangulo.

Nagpasalamat din ang Presidente sa mga taga-Papua New Gui­nea dahil sa magandang trato at pagrespeto sa mga manggagawang Pinoy, at bilang ganti aniya ay tutulong ang Pilipinas para sa paghubog ng edukasyon sa mga kabataan ng nabanggit na bansa.

“I have heard that most of our countrymen are treated well and respected, in return, we are ready to build schools, ask teachers to come here and help in the education of your young people,” dagdag pa ng Pangulo. ­