Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga guro nangalampag sa election OT

0 44

Mahigit isang buwan matapos ang May 9 elections, hindi pa rin umano natatanggap ng mga guro ang kanilang P2,000 extended service pay.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines Secretary General Raymond Basilio sumulat na sila sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay nito subalit wala pa ring natatanggap na tugon.

Ang P2,000 dagdag na bayad ay ibibigay sa mga poll worker na nagsilbi ng mahigit 24 oras noong halalan kalimitan ay dahil sa problema sa vote counting machine.

Ipinangako na ibibigay ito noong Mayo 25 subalit hindi umano ito natupad, ayon kay Basilio. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.